Mga TNT subscribers sulit sa 30 libreng sites ng Internet.org

by User Not Found | Jul 01, 2015
Hindi makapaniwala ang mga residente ng Malabon at Quezon City sa handog na libreng internet access ng Talk ‘N Text (TNT).

TNT
Panalong-panalo ang mga katropa sa Quezon City pagkatapos makiisa sa Panalo Ang May Alam Party 
ng Talk ‘N Text. Dito ay natutunan nila ang mga libreng website sa loob ng Internet.org app o mobile site.

 [23 June 2015] Hindi makapaniwala ang mga residente ng Malabon at Quezon City sa handog na libreng internet access ng Talk ‘N Text (TNT). Sa pamamagitan ng Internet.org, tatlumpung (30) websites tulad ng Facebook, Wikipedia, at Jobstreet.com ang maaring ma-access sa cellphone nang walang bayad.

Nakisaya ang mga subscribers sa Panalo Ang May Alam Party na magkasunod na idinaos sa Malabon at Quezon City kung saan natutunan nila kung paano gamitin ang Internet.org habang nakikilahok sa iba’t ibang mga palaro. Sinagot nila ang mga katanungan sa news, sports, showbiz, general information at marami pang iba gamit ang websites sa Internet.org.

Ang Panalo Ang May Alam Party ay inilunsad ng TNT upang palawakin ang kaalaman ng mga subscribers patungkol sa Internet.org na isang proyekto ng Facebook na naglalayong maging konektado sa internet ang pinakamaraming tao sa buong mundo nang libre. Dito sa Pilipinas, nakipagtulungan ang Facebook sa Smart Communications, Inc. (Smart), sa pamamagitan ng TNT.

Pinaliwanag ni Nikko Galvez, TNT senior manager para sa mobile data, kung paano magagamit ang Internet.org. “Kung ang mobile phone mo ay Android, maari mong i-download ng libre ang Internet.org app sa Google Play Store. Kung iba naman ang gamit mo, buksan ang Internet browser ng mobile phone mo at i-type ang www.internet.org. Kailangan nakabukas ang mobile data ng phone para ma-access ang Internet.org nang hindi mababawasan ang load mo. Sa loob ng Internet.org, makikita ang listahan ng mga libreng websites na pwede mong magamit. Pagkatapos mag-Internet.org, huwag kalimutan patayin ang mobile data.”

Para kay Sheila Salonoy, malaki ang maitutulong ng Accuweather at RaincheckPH sa kanya bilang sales coordinator sa isang pabrika ng sabon. “Yung weather hindi mo alam kung uulan ba o aaraw. Sa Internet.org, malalaman ko ang panahon bago ako sumabak sa fieldwork. Makakapagdala ako ng payong pag maaraw at sweater naman pag umuulan. At dahil libre ang Internet.org, panalo!”

Balak naman gamitin ni Ana Maria Estandian, grade 8 student, ang Internet.org kung sakaling malagay siya sa peligro. “Kahit wala piso lang ang load ko, pwedeng akong mag- Facebook o Messenger dahil libre. Kunwari nasa ospital ako o kahit anong emergency, pwede po akong humingi ng tulong.”  Aniya, “Makakatulong din po sa assignments ang Wikipedia at Dictionary, lalo na po sa mga bagay na hindi ko masasagot pero kayang sagutin ng Internet.”

Wattpad, Facebook, at PEP.ph naman ang madalas bisitahin ni Stanley Morales, isa ring grade 8 student. “Makakatulong po ang Internet.org sa mga homework. Malalaman ko din po ang weather. Mas marami pa po yung malalaman ko tungkol sa bansa natin at pinakahuling balita.”

Iba’t ibang impormasyon at hilig ang makikita sa mga sites ng Internet.org. Ulat panahon? Papayuhan ka ng AccuWeather at RainCheckPH Lite. Kung pinakahuling balita ang hanap, buksan ang Interaksyon, GMA News Online, Inquirer.net, PhilStar.com, Rappler, at Sun.Star.

Kung hilig naman ay sports, nandyan ang ESPN at Spin.ph. Kapag trabaho ang kailangan, maari mong puntahan ang Jobstreet at JOFOM.  May binebenta? Pwede mong ipost sa OLX.ph. Tulong sa kaalamang pinansyal at pagpapalago ng pera? Nandyan ang Pesos and Sense, Your Money at iMoney.ph.

Sa mga estudyante at sa mga naghahanap ng kasagutan, malaking tulong ang Ask.com, Bing Search, Wikipedia, Wikihow, Dictionary.com, at Wattpad.Sa kalusugan at kaalamang pangkababaihan, puntahan ang BabyCenter & MAMA, Girl Effect at Facts for Life.

At siyempre, hindi mawawala ang social network site na Facebook at ang katuwang nito na Messenger.

Matapos ilunsad sa Malabon at Quezon City, maghahatid ng karagdagang kaalaman at saya ang Panalo Ang May Alam Party sa iba’t ibang sulok ng bansa tulad ng Bicol, Sorsogon, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Bacolod, Iloilo, at Davao.  [END]

TNT_1

Nagkantahan ang mga katropa sa Malabon bilang panimula sa Talk ‘N Text Panalo Ang May Alam party kung saan natutunan nila kung paano gamitin ang Internet.org.

TNT_2

Nakiisa ang mga katropa sa Malabon sa Panalo Ang May Alam party upang malaman ang libreng Internet na hatid ng Talk ‘N Text at Facebook sa pamamagitan ng Internet.org app o mobile site.

TNT_3

Sa Panalo Ang May Alam Party ng Talk ‘N Text, natutunan ng mga katropa sa Quezon City ang tatlumpung (30) websites na maaari nilang ma-access nang libre sa Internet.org app o mobile site gamit ang TNT SIM.

Leave a comment