Yolanda survivor, nanalo ng P100,000 mula sa TNT

by User Not Found | Jun 19, 2015
Isang Yolanda survivor mula La Paz, Iloilo City ang nag-uwi ng jackpot prize na P100,000 mula sa ‘Panalo Ka, Pilipinas!,’ ang engrandeng 15th anniversary show ng TNT.

TNT_4

TNT PANALO MOMENT.
Matapos mawalan ng tirahan dahil sa supertyphoon Yolanda noong November 2013, isang malaking biyaya para sa 35-anyos na housewife na si Maribel Barit ang pagkapanalo ng P100,000 jackpot sa ‘Spin Para Sure Win’ game ng TNT ‘Panalo Ka, Pilipinas!’ show sa La Paz, Iloilo City. Bukod sa ‘Panalo Ka, Pilipinas!,’ may siguradong premyo rin na naghihintay sa lahat ng TNT subscriber sa pamamagitan ng Sure Panalo Wheel Promo, na hatid ang higit P100 milyon sa instant prizes. I-text lang ang WIN to 4545.

 [June 16, 2015] Isang Yolanda survivor mula La Paz, Iloilo City ang nag-uwi ng jackpot prize na P100,000 mula sa ‘Panalo Ka, Pilipinas!,’ ang engrandeng 15th anniversary show ng TNT, ang pinakamalaking mobile prepaid brand sa bansa.

“Gusto ko lang talaga makakita ng mga artista at maglaro sa mga game booth kasama ng dalawang anak ko, kaya napabili ako ng bagong TNT SIM,” saad ng 35-anyos na maybahay na si Maribel Barit, isa sa mga nawalan ng tirahan nang sumalanta ang supertyphoon Yolanda sa Visayas noong Nobyembre 2013.

“Handa na nga kaming maglakad nang higit isang oras pauwi kasi yung pamasahe namin ang ipinambili ko,” dagdag ni Barit, na umaga pa lang ay nasa La Paz Plaza na, kasama ang libu-libong dumagsa sa TNT celebration.

Mapalad namang nabunot si Barit para maglaro sa stage at makarating sa jackpot round ng “Spin Para Sure Win,” kung saan nakuha niya ay saktong kumbinasyon para maiuwi ang P100,000.

Napakalaking biyaya

“Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya! Ngayon ay mababayaran na rin namin ang mga inutang namin nung nagsimula kami ulit pagkatapos nung Yolanda,” saad ni Barit, na umaasa sa sahod ng kanyang asawang karpintero. “Napakalaking biyaya talaga ito  na hindi namin sasayangin.”

Tulad ni Barit, marami rin ang nagkaroon ng sariling panalo moment  at nag-uwi ng brand new phones, videoke units at sari-saring TNT items mula sa iba’t –ibang palaro. Lahat din ay napahanga at napasaya sa todo-bigay na mga performance ng TNT endorser at actor na si Jericho Rosales, kasama ang mga celebrity performer tulad nina Jhong Hilario, Mariel Rodriguez, rock band 6CycleMind, Pinoy boyband 1:43, at marami pang iba.

“Ang ‘Panalo Ka, Pilipinas’ ay isang malaking pasasalamat ng TNT sa masang Pilipino, na dahilan kung bakit nanatili itong pinakamalaking mobile prepaid brand ng bansa, saad ni Cherish Canizares-Tupaz, TNT Marketing Head. “Makakasa ang lahat na patuloy na maghahatid ang TNT ng saya at pag-asa sa buhay ng mga subscriber para maging panalo ang bawat araw.”

Higit P100 milyon na papremyo sa Sure Panalo Wheel

Bukod sa ‘Panalo Ka, Pilipinas!,’ lahat ng katropa ay may chance ding manalo ng malalaking premyo sa pamamagitan ng Sure Panalo Wheel, ang TNT anniversary promo na handog ang higit P100 milyon na instant prizes gamit lang ang cellphone.

Kailangan lang mag-register sa select TNT promo para sa pagkakataong paikutin ang virtual roleta sa cellphone. Sa bawat ikot ng roleta ay may sure panalo na pwedeng ipalit sa instant prize – mula  mobile load, ringtone at brand new phone, hanggang sa motorsiklo, home appliance, negosyo package, at instant cash!  Lahat din ng sasali sa Sure Panalo Wheel promo ay may pagkakataong maging isa sa limang grand prize winner ng P1 million each sa grand raffle draw. Para sa kumpletong promo mechanics, i-text lang ang WIN sa 4545.

Para sa karagdagang impormasyon sa Sure Panalo Wheel promo at iba pang anniversary activities ng TNT, bisitahin lang ang talkntext.com.ph at i-follow ang official TNT account sa Facebook (www.facebook.com/TalkNText) at Twitter (@TalkNText).

Leave a comment