PAANO I-INSTALL ANG eSIM GAMIT ANG CAMERA
Gamitin ang camera sa iyong eSIM-capable device para ma-scan ang QR code at ma-install ang iyong TNT Prepaid eSIM.
Kung na-receive ang inyong TNT Prepaid eSIM QR via email:
- Buksan ang inyong email gamit ng iba pang device tapos i-scan ang QR code gamit ang inyong eSIM-capable device.
- Kapag gamit ang isang Samsung eSIM-capable device, maaari rin ninyong i-download o kuhanan ng screenshot ang QR code at i-upload ito sa SIM Manager menu.
Paalala:
- Siguraduhin na merong stable internet connection bago i-install ang inyong eSIM.
- Para sa TNT Prepaid eSIM na binili sa Smart Online Store, i-check ang inyong email attachment para sa QR code.
Paalala: Siguraduhin na merong stable internet connection bago i-install ang inyong eSIM.
PAANO I-INSTALL ANG eSIM GAMIT ANG SIM MANAGER SA SETTINGS NG INYONG DEVICE:
PARA SA APPLE DEVICES:
- Siguradunin na iOS version 12.4 and above ang iyong device.
- Kumonekta sa WiFi network/Cellular Data
- Pumunta sa Settings
- Pumunta sa Cellular Network
- I-click ang “Add Cellular Plan” o “Add eSIM”.
- Magbubukas ang Camera
- I-scan ang QR code
- Makakakuha ng prompt na ang inyong TNT Prepaid eSIM ay successfully downloaded.
PARA SA ANDROID DEVICES:
SAMSUNG
- Kumonekta sa WiFi network/Cellular Data
- Pumunta sa Settings, i-click ang Connections menu
- Piliin ang SIM Card Manager at i-click ang “Add Mobile Plan”.
- I-click ang “Add using QR code”.
- I-scan ang QR code
- I-click ang “Add Cellular Plan”
- I-click OK para i-activate ang inyong bagong mobile plan
- Madidisplay ang inyong bagong eSIM profile
HUAWEI
- Kumonekta sa WiFi network/Cellular Data
- Pumunta sa Settings
- I-click ang Mobile Network
- Pumunta sa SIM Management
- Piliin ang SIM 2 settings at i-click ang eSIM
- I-click ang Add eSIM
- I-scan ang QR code
- I-click ang “Add this eSIM”.
- Madidisplay ang inyong bagong eSIM profile.
Para sa ibang devices na hindi nakalista dito, bisitahin ang website ng inyong device manufacturer para sa step-by-step procedure kung paano ma-install at ma-activate ang inyong eSIM.
I-register ang inyong TNT Prepaid eSIM sa https://smart.com.ph/simreg or https://simreg.smart.com.ph para ma-activate at ma-enjoy ang mobile services ni TNT.
Pagkatapos mag-register at i-activate ang eSIM, ma-aactivate rin ang lahat ng mobile services kagaya ng incoming at outgoing voice, SMS, at data.