Dahil ito ay bagong release na offer, ang subscribers lang na may pinakaupdated na version ng app mula sa Play/App store ang pwedeng makakakita.
Tandaan: By default, merong auto-update na function ang Android at iOS na device na magpo-prompt sa user na may latest version and app, habang naka-konekta sa WiFi. Para sa subscriber/users na nag-disable ng auto-update, pwedeng i-update ang app manually sa pagpunta sa App/Play store, hanapin ang Smart App at i-click ang “UPDATE.”
Maaaring hindi ka eligible na mag-subscribe sa Triple Data+ Promo, dahil piling users lamang ang pwedeng kumuha ng Triple Data+ Promo.